January 18, 2025

Ang Buwang Hugis Suklay (Buod ng Kwento)

Ang Kuwento ng Buwang Hugis suklay ay tungkol sa isang mangingisda na nakatira sa isang malayong bayan. Pinabili siya ng suklay ng kanyang asawa at para hindi niya ito makalimutan ay naging palatandaan niya ang buwan na kahugis nito. Matandaan kaya ng mangingisda ang biling ng Asawa?

Noong unang panahon, may isang mangingisda ang lumuwas ng siyudad upang bumili ng kanyang gagamitin sa pangingisda. 

Bago ito umalis ay nagbilin ang asawa at anak nito na bumili ng kendi at suklay na hugis buwan. Upang hindi malimutan ng mangingisda ang bilin ng asawa na bumili ng suklay na hugis buwan, ay tumingala lamang daw ito sa langit upang maalala ang bibilhin. 

Noong araw na iyon, ang buwan ay nagsisimula nang maghugis suklay. Nagsimula nang maglakbay ang mangingisda at inabot din ng ilang araw bago ito makarating sa syudad. Nang makarating ay agad itong pumunta ng tindahan at binili ang kanyang kailangan sa pangingisda pati na rin ang kendi para sa kanyang anak. Ngunit nakalimutan naman nito ang pinabibili ng kanyang asawa. 

Kayat ang lalake ay nagpa ikot ikot sa tindahan upang hanapin kung ano ba ang pinabibili ng kanyang asawa. Napansin ito ng nagtitinda at nag tanong kung maari ba nitong tulungan ang lalake sa kanyang hinahanap. “Hinahanap ko ang pinabibili ng aking asawa” saad ng mangingisda. 

“Pampapula ho ba ng labi”? Saad ng nagtitinda 

“Hindi” tugon naman ng mangingisda

“Pitaka?”

“Hindi rin”

“Unan?”

“Ah naalala ko na!” saad ng mangingisda. Sinabi nito na tumingala lamang daw upang maalala ang kanyang bibilhin. 

Doon ay nakita ng mangingisda at nagtitinda ang bilog na bilog na buwan. Nang makita ang buwan ay inabot ng nagtitinda ang isang bilog na salamin. Sigurado daw ito na ang salamin ang pinapabili ng asawa ng mangingisda.

Nang matapos na sa pamimili ay agad ding umuwi ang mangingisda at nang makarating sa kanila ay nag-aabang na ang kanyang asawa, anak at ama’t ina ng mangingisda.

“Kumuha ka ng kendi” saad ng mangingisda sa kanyang anak. 

“Natandaan mo pa ang pinabibili ko sayo?” saad ng asawa ng mangingisda

Agad namang inituro ng lalake ang kanyang pinamili. 

“Wala naman dito ang suklay na hugis buwan!” tugon ng misis ng lalake. Kinuha naman ng mangingisda ang kanyang mga pinamili at inabot sa kanyang asawa ang lalagyan na may lamang salamin.

Nabigla naman ang asawa ng lalake ng makita ang nasa repleksyon ng salamin.

“Bakit ka nagdala ng mia noi?

(Ang mia noi ay mga salitang Laos na katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang Thai at Laos.)

Kinuha naman ng ina ng lalake ang salamin at ganoon din ang naging reaksyon nito ng tignan ang salamin.

“Nakakadiri ka at naguwi kapa ng mia noi na matanda at kulubot pa!”. 

Kinuha naman ng anak ng lalake ang salamin at sinabi nitong 

“Lolo tignan nyo kinuha nya ang aking kendi at kinakain pa”. Dali daling hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata at nang makita din ang repleksyon ay nainis ang matanda dahil tila nang aasar ang taong nasa salamin. Dahil sa inis ay kumuha ang matanda at patalim nakita rin nito na may patalim din ang taong nasa salamin. “Sasaksakin din nya ako!” galit na tugon ng lolo. At dahil dito ay inundayan ng saksak ng matanda ang salamin. 

“Ngayon ay hindi kana makakagambala pa” Saad ng lolo.

Iba pang Mga Buod ng Kwento at Alamat:

Alamat ng Durian [Buod]

Alamat ng Daliri [Buod]

Alamat ng Pinya (Summary)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *