Sa isang lugar sa me parting Norte ng Luzon, noong unang panahon ay mayroong isang napakagandang dilag na nagngangalang Liwayway.
Dahil sa taglay nyang kagandahan, madami ang nakabalita kahit sa malalayong bayan pa. Matunog na matunong ang pangalang Liwayway sa kanila.
Isang araw ay may grupo ng mga mangangaso na galing hilaga ang napadpad kina Liwayway. Sa kanilang pangangaso, nasugatan ng malubha ang isa sa kanila na nagngangalang Tanggol dahil sap ag atake ng baboy ramo.
Dinala si Tanggol ng kanyang mga kasamahan sa isang manggagamot na ama pal ani Liwayway. Dito nagkakilala ang dalawa.
Nagkamabutihan ng loob ang dalawa habang nagpapagaling si Tanggol.
Nang gumaling si Tanggol, nag paalam ito na uuwi muna sa kanila at dadalhin ang kanyang mga magulang para pormal na hingin ang kamay ni Liwayway.
Nagpaalam ng Mabuti ang dalawa sa isat isa, puno ng pag asa si Liwayway na magkakatuluyan sila ni Tanggol.
Subalit sa matagal na panahon ay di nakabalik kaagad si Tanggol, nalungkot ng maigi si Liwayway.
Habang nag aantay si Liwayway, isang dating manliligaw nya na posibleng me inggit kay Tanggol ang nagsabi kay Liwayway na dina ito makakabalik pa kasi nag asawa at nag kaanak na si Tanggol.
Labis na nagdalamhati si Liwayway dahil dito, nagkasakit sya at kalaunay namatay. Pero bago mamatay si Liwayway ay nakapagsabi sya ng sumpa kay Tanggol. Aniya, “Isinusumpa kita… sump akita!”.
Pagkalipas ng ilang araw, bigla nalang lumitaw at dumating si Tanggol kasama ang kaniyang mga magulang. Nagkasakit pala ang magulang nya kaya di siya nakabalik kaagad. Napakasaklap ng nangyari sa kanila.
Sa araw araw na inalala ni Tanggol si Liwayway ay lagi itong napapaluha sa puntod ng kanyang kasintahan.
Isang araw napansin nya na merong tumutubo na halaman sa puntod ni Liwayway. Kakaiba ang halaman na ito kasi ubod ng bango.
Kalaunan ay tinawag ito na “sumpa kita”, kuha sa mga huling salita ni Liwayway.
Katagalan ang tawag na Sumpa kita ay nakagawian ng sabihin na “Sampaguita”.
Aral sa Alamat ng Sampaguita
Huwag maniwala sa sabi sabi, alamin muna ang katotohanan. Magkaroon din ng tiwala sa iyong kausap.