Alamat ng Makahiya (Summary)

Noong unang panahon, mayroong mag asawa na nag pangalan ay Mang Dondong at Aling Iska. Meron silang anak na mahal na mahal nila. Kaisa isang anak si Maria na labindalawang taong gulang.

Sobrang bait na bat ani Maria, kaya lang napaka mahiyain. Ayaw nyang nakikipag usapa sa ibang tao kaya madalas nasa silid kwarto lang sya para di makasalamuha ang ibang tao.

Merong hilig si Maria sa pag aalaga ng mga halamang mabulaklak. Napakaganda ng mga ito kaya hinahangaan sya dito ng kanilang mga kababayan.

Sa kasamaang palad, isang araw ay may mga bandido na sumalakay sa kanilang bayan. Nakakatakot ang mga ito kasi pumpatay sila kung sino man ang makita. Para mailigtas ni Mang Dondong at Aling Iska si Maria, pina tago nila ang kanilang anak sa kanyang mga halamanan. Nagtago si Aling Iska sa loob ng bahay nila samantalang si Mang Dondong ay matapang na sinalubong ang mga bandido.

“Diyos ko! Iligtas mo po ang aking anak.” Dasal ni Aling Iska.

Sa di inaasahan na pagkakataon, pinasok ang bahay nina Maria. Walang nagawa si Mang Dondong ng pukpukin sya sa ulo ng mga bandido.

Nagtangkang tumakas ni Aling Iska pero nahuli din sya ng mga bandido at kapwa sila nawalan ng malay tao.

Walang tigil sa pagnakaw ng kayamanan ng pamilya nina Maria ang mga bandido at ng makuha na lahat ng gusto ay umalis nadin naman sila.

Nang magkamalay ang mag asawa ay hinanap nila si Maria, pero hindi nila makita, takot na takot si Mang Dondong at Aling Iska, ano na kaya nangyari kay Maria?

Sa patuloy na pag hahanap kay Maria, biglang me sumundot sa paanan ni Mang Dondong, na pa-aray sya. Nang makita ang isang halaman sa paanan nya nagulat sya kasi biglang natikom ang mga dahon nito. Ngayon lang sila nakakita ng ganitong uri ng halaman

“Anong uri ng halaman ito? Ngayon lang ako nakakita nito!” Ang may pagkamanghang sabi ni Mang Dondong.

Nang pag aralan nila ang halaman, bigla nilang naalala na parang si Maria ito kasi may pag ka mahiyain ang buong katangian nito. Doon na nag isip ang mag asawa na marahil ay ginawang halaman ng Diyos si Maria para maligtas sa tiyak na kapahamakan.

Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska at laking pagkagulat na muli ni Mang Dondong na bawat patak ng luha ni Aling Iska, ito ay nagiging isang maliit at bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon, ang halamang iyon ay inalagaang mabuti ng mag-asawa sa paniniwalang ito ang kanilang anak. Tinawag nila itong Makahiya, tulad ng isang katangian ni Maria.

Aral sa Alamat ng Makahiya

  • Ang paggawa ng masama sa kapwa ay hindi mabuti para sa iba
  • Magtrabaho para kumita at huwag gayahin ang mga pirata.
  • Likas sa mga tao ang pagiging mahiyain. Subalit minsan kailangan din nating makipag ugnayan sa ibang tao para hindi tayo malungkot

Related Posts

Noli Me Tangere , “Touch Me Not” ni Jose Rizal (Buod ng Nobela)

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, na nagsasalaysay ng mga suliranin ng lipunan sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang nobela ay naglalarawan ng mga karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo at pagmamalupit ng mga prayle at opisyal ng Espanya.

Nang Magtampo ang Buwan (Buod ng Parabula)

Ang Parabulang Nang Magtampo ang Buwan ay nagsasalamin ng kahalagahan ng isang bagay sa iyo na makikita molang ang importansya kapag nawala na sa piling mo. Malaman kaya ng buwan ang kahalagahan ng Araw sa kanya? Alamin sa Buod ng Parabulang ito.

Ang Magandang Dilag at ang Kuba (Buod ng Parabula)

Ang Parabula ng Magandang Dilag at ang Kuba ay nagsasalamin ng pagsasakripisyo ng isang tao para sa kapakanan ng kanyang minamahal. Tuluyan kayang magustuha ng Magandang dilag…

Ang Buwang Hugis Suklay (Buod ng Kwento)

Ang Kuwento ng Buwang Hugis suklay ay tungkol sa isang mangingisda na nakatira sa isang malayong bayan. Pinabili siya ng suklay ng kanyang asawa at para hindi niya ito makalimutan ay naging palatandaan niya ang buwan na kahugis nito. Matandaan kaya ng mangingisda ang biling ng Asawa?

Alim Epiko ng Ifugao (Buod)

Ang Alim ay isang epiko mula sa mga katutubong Ifugao sa hilagang bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Ito ay isinulat at isinalin sa Tagalog upang mas maintindihan ng mas maraming tao.

Bantugan Epiko ng Mindanao (Buod)

“Ang Bantugan” ay isang epiko mula sa timog ng Pilipinong isla ng Mindanao. Ito ay kuwento tungkol sa alamat na bayani na si Bantugan, na kilala sa…

This Post Has One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *