Alamat Ni Prinsesa Manorah (Summary)

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah ng Thailand base sa pagsasalin ni Dr. Romulo N. Peralta.

Nagsimula ang Alamat ni Prinsesa Manorah noong taong 1350 at nagpasalin salin na sa ibat ibang henerasyon.

Si Kinnaree Manorah ay isa sa pitong anak nina Haring Prathum at Reyna Jantakinnaree. Siya ang pinaka bunso sa pamilya. Ang pamilya ay nakatira sa Bundok Grairat. Ang bundok na ito ay napakaganda at maalamat.

Ang pitong magkakapatid ay kalahating tao, kalahating swan. Maaari silang lumipad at maaaring piliin na panatilihing nakatago ang kanilang mga pakpak kung gusto nila.

Nasa kanilang kaharian ang isang lugar na tinatawag na Himmapan kung saan ito ay isang kagubatan pero dito ay may ibat ibang uri ng nilalang na nakatira. Ang mga nilalang na ito ay di mo makikita sa daigdig ng mga tao.

Dito sa Himmapan me isang lawa na napakaganda at dahil dito, madalas pasyalan ito ng pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o yung tinatawag na full moon. Sa di kalayuan ng lawa ay nakatira ang isang ermitanyong nagsasagawa ng meditasyon.

Dumating ang isang araw na magpapabago sa kanilang kapalaran. Mayroong isang binata na ang pangalan ay Prahnbun ang naligaw sa kagubatan ng Himmapan. Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah. Naisip nya na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe Suton ay tiyak na matutuwa ito.

Bago lang sa gubat na ito si Prahnbun kaya wala syang alam kung paano nya bibihagin ang prinsesa na kanyang nagugustuhan. Nakita nya ang ermitanyo at humingi sya ng tulong.

Sa pagtatanong ng binata sa ermitanyo, nasabi nya na hindi nya kayanag hulihin ang Prinsesa sapagkat ang mga kinnaree ay agad na lumilipad kapag tinatakot. Nag suhestiyon ang ermitanyo na may dragon na nakatira sa sulok ng gubat na maaring makatulong sa binata.

“Salamat Ermitanyo” sabi ni Prahnbun at pagkatapos makuha sa Dragon ang isang mahiwagang lubid na panghuhuli, agad na nagtungo siya ilog kung saan naroroon si Prinsesa Manorah.

Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree ay inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Manorah. Walang magawa ang mga kapatid ni Manorah, at dahil sa takot ay napilitan nalang lumipad ang mga ito ng palayo.

Itinali kaagad ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di makalipad at dala dala ang Prinsesa, agad na naglakbay ito upang iregalo ang nahuli nya kay Prinsipe Suton. Si Prinsipe Suton ay anak ni Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udoh Panjah.

Noong mga oras din na iyon, naglalakbay din pala si Prinsipe Suton. Nakasalubong nya si Prahbbun na hila hila si Prinsesa Manorah. Agad na nabighani din si Prinsipe Suton kay Manorah dahil sa taglay nitong kagandahan.

Nag usap si Prinsipe Suton at Prahbun. Doon ay nalaman ni Suton ang dahilan ni Prahnbun kung paano niya hinuli si Manorah.

Dahil nabighani ang Prinsipe, nagbalik sila sa kanilang palasyo na kasama na si Prinsesa Manorah na kung saan ay umusbong ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Nag kuwento ang prinsipe sa kaniyang mga magulang kung ano ang buong pangyayari at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah.

Bumalik sila sa palasyo kung saan isinagawa ang kasal sila’y at namuhay ng matiwasay.

Related Posts

Noli Me Tangere , “Touch Me Not” ni Jose Rizal (Buod ng Nobela)

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, na nagsasalaysay ng mga suliranin ng lipunan sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang nobela ay naglalarawan ng mga karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo at pagmamalupit ng mga prayle at opisyal ng Espanya.

Nang Magtampo ang Buwan (Buod ng Parabula)

Ang Parabulang Nang Magtampo ang Buwan ay nagsasalamin ng kahalagahan ng isang bagay sa iyo na makikita molang ang importansya kapag nawala na sa piling mo. Malaman kaya ng buwan ang kahalagahan ng Araw sa kanya? Alamin sa Buod ng Parabulang ito.

Ang Magandang Dilag at ang Kuba (Buod ng Parabula)

Ang Parabula ng Magandang Dilag at ang Kuba ay nagsasalamin ng pagsasakripisyo ng isang tao para sa kapakanan ng kanyang minamahal. Tuluyan kayang magustuha ng Magandang dilag…

Ang Buwang Hugis Suklay (Buod ng Kwento)

Ang Kuwento ng Buwang Hugis suklay ay tungkol sa isang mangingisda na nakatira sa isang malayong bayan. Pinabili siya ng suklay ng kanyang asawa at para hindi niya ito makalimutan ay naging palatandaan niya ang buwan na kahugis nito. Matandaan kaya ng mangingisda ang biling ng Asawa?

Alim Epiko ng Ifugao (Buod)

Ang Alim ay isang epiko mula sa mga katutubong Ifugao sa hilagang bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Ito ay isinulat at isinalin sa Tagalog upang mas maintindihan ng mas maraming tao.

Bantugan Epiko ng Mindanao (Buod)

“Ang Bantugan” ay isang epiko mula sa timog ng Pilipinong isla ng Mindanao. Ito ay kuwento tungkol sa alamat na bayani na si Bantugan, na kilala sa…

This Post Has One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *