December 10, 2024

Ang Biik at ang mga Tupa [Buod ng Pabula]

Isang may katigasan ang ulong Biik ang inis na inis sapagkat lagi na lang siyang nasa kulungan. Naiinggit siya sa mga Tupa na lagi nang ipinapasyal ng kanilang pastol.

Isang araw nang natutulog ang kanyang mga kapatid, lumabas ng bahay ang Baboy. Naglakad-lakad siya sa bukid at tuwang-tuwa na makita ang pastol na naglalakad sa Tupa. Sunud-sunod niyang sinundan ang Tupa at kinausap sila. Napakamot sa ulo ang pastol dahil ngayon lang niya nakita ang alaga niyang Tupa na nasasarapan sa isang Baboy na hindi katulad nila. Dahil marunong makisama ang Baboy, tinuturing siyang kaibigan ng Tupa.

Tinanong ng pastol ang Tupa kung paano makakauwi si Biik, dahil si Biik ang nag-iisang baboy sa kulungan. Iniyuko ng mga tupa ang kanilang mga ulo bilang pagsang-ayon. Inakala ng pastol na ang Kordero lang ang walang kapatid o magulang, kaya dinala niya ito sa kulungan ng mga tupa.

Naging masaya ang Biik sa kawan. Lagi silang ipinapasyal ng pastol. Laging busug na busog silang magkakasama.

Sa pagmamatiyag ng Biik ay napapansin niyang isang Tupa ang laging kinakarga ng pastol. Inusisa niya ang pinakamatalik na kaibigan kung bakit. Hindi kumibo ang kinausap. Masusing tinatanaw ng Biik kung saan dinadala ang Tupang kinakarga ng pastol. Nabuo sa kaniyang isipan ang isang katatakutan. Alam kasi niyang isang araw ay maaari ring kargahin siya ng pastol at ilabas sa kural.

Ang pinangangambahan niyang araw ay dumating nga. Sa halip na isang Tupa ay siya, dating Biik at ngayon ay may katabaan at mapupulang pisngi, ang kinarga ng pastol.

Nagsisigaw sa takot ang matabang Baboy. Inusisa siya ng mga Tupa kung bakit nagsisigaw siya.

“Kapag kinarga ka ng pastol,” humihikbing sabi ng Baboy, “maaaring balatan ka lang at kunan ng balahibong bulak o kung inahin kang Tupa ay kunan ka naman ng gatas. Samantalang ako ay tiyak na kakatayin lamang niya sapgkat wala akong taglay na gatas o balahibong bulak na maipagbibili niya.”

“Ta… tama ka,” nagyukuan ang lahat sa katotohanang tinuran ng kanilang kaibigan.

Aral sa Ang Biik at ang mga Tupa (Buod ng Pabula)

Matutong mamuhay ayon sa kakayahan lamang

Iba pang Pabula

Ang Kabayo na nagdamit Leon [Buod ng Pabula]

One thought on “Ang Biik at ang mga Tupa [Buod ng Pabula]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *