December 16, 2024

Darangan Epiko ng Maranao (Buod)

Ang Darangan ay isang epiko na nagmula sa Maranao, isang tribo sa Mindanao, Pilipinas. Ito ay isang mahabang tula na naglalarawan ng mga pagsisikap, pakikipagsapalaran, pag-ibig, at kabayanihan ng mga tauhan sa kwento.

Ang mga tauhan sa Darangan ay kinabibilangan nina Darangan, Isirong, Kumag, at Bantugan. Si Darangan ang pangunahing tauhan, isang prinsipe na handa sa lahat ng pagsubok at pakikipagsapalaran upang patunayan ang kanyang kakayahan. Si Isirong naman ay isang magiting na mandirigma at kasintahan ni Darangan, samantalang si Kumag ay isang matandang mandirigma na may malawak na kaalaman sa mga kagila-gilalas na kaharian. Si Bantugan naman ay isang magiting at makapangyarihang prinsipe na nagmula sa kaharian ng Bumbaran.

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki.  Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan.  Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali.  Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino.  Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso.  Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-bayan.  Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.

Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.

Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya?  Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.

Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian.  Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan.  At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian.  Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian.  Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila.  Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari.  Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo.  Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari.  Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan.

Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.  

Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan.  Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa.  Siya mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian.  Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas.  At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan.

Iba pang Buod ng Epikong Pilipino:

Hudhud in Aliguyon (Buod ng Epiko ng Ifugao)

What are Philippine Epic Literature?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *