Noong unang panahon, sa isang tribo sa me paanan ng bundok ng Sierra Madre ay may isang mag anak ng manggagamot. Meron silang isang anak na ang pangalan ay Buyas. May pag ka sensitibo si Buyas dahil lagi syang maramdamin.
Lalo syang naging sensitibo pa ng maisilang ang kanyang busong kapatid. Dahil sa angking kagandahan ng bagong kapatid ni Buyas ay lagi itong napapansin ng mga nagpapagamot sa kanilang bahay.
“Napakaganda naman ng bunso nyo” ito ang madalas marinig sa mga bisita nila. Lagi namang nagtatanggol ang nanay ni Buyas, “maganda din naman si Buyas” aniya. Kapag naririnig ito ni Buyas ay naaawa sya sa sarili nya at napapa iyak nalang sya sa likuran ng kanilang kubo hanggang sa mapagod nalang sya, saka palang sya titigil.
Dumating nag panahon at nagdalaga na ang magkapatid. Isang araw napa ibig si Buyas sa isang makisig na binata, pero ang nagugustuhan naman pala ng Binata ay ang kapatid niya.
Napapaiyak nalang si Buyas kapag dumadalaw sa bahay nila ang Binata kasi ang kapatid nya ang nililigawan at hindi siya. Gaya ng nakagawian ni Buyas, pupunta sya sa likod ng bahay at doon iiyak ng iiyak para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Naaawa ang Nanay ni Buyas sa kanya pero iniisip din ng nanay ang kanyang kapatid na bunso.
Pagkalipas ng ilang buwan ay namanhikan ang binata sa kanila. Napagusapan na ikakasal ang bunso at ang binata sa ikalawang pag bilig ng buwan.
Nang malaman ito ni Buyas ay parang namatayan sya ng puso at ang gusto nyang Binata ay ikakasal na. Labis ang pagdamdam ni Buyas.
Kinabukasan hanggang sa araw ng kasal ng kapatid ni Buyas ay di sya makita. Bigla nalang naglaho si Buyas.
Isang araw nagwawalis ang nanay ni Buyas sa kanilang bakuran at may nakita ito na isang halaman na tumutubo. Binunot nya ito para itanim sa ibang lugar pero napansin nya na bilugan ang hugis ng mga bunga.
Sinubukan nila itong ihalo sa pagkain pero kalaunan napansin nila na kapag hinihiwa ito ay nakaka pag dulot ng pag iyak. Parang kaparehas na kaparehas ng nangyayari kay Buyas dati.
Kalaunan ang bunga ay pinangalanan na Sibuyas dahil halos kaparehas ni Buyas na laging nakakaiyak kapag hinihiwa o kaya nagdadamdam ito.