December 10, 2024

Alamat ng Lansones (Summary)

Sa isang bayan ng Laguna noong unang panahon, mayroong isang uri ng puno na pinangingilagan ng mga tao. Bilugan ang hugis ng bunga nito at tuwing panahon ng pamumunga ay hitik na hitik ang mga bunga nito. Walang mangahas na pumitas at kainin ito dahil alam ng lahat na nakakamatay at nakakalason ito.

Ang pagkatakot ng mga tao sa “puno ng lason” ay nagsimula ng mayroong isang manlalakbay ang nagpahinga sa lilim ng puno. Pagod at gutom ang manlalakbay na ito at ng makita nya ang kaaya ayang itsura ng bunga ng puno ay pumitas sya at kinain ito.

Hindi napansin ito ng mga taga roon kaya huli na para bigyan ng babala ang manlalakbay. Nakita nalang ito ng mga tao na nangingisay at nagbubula ang kanyang bibig. Namatay ang manlalakbay na ito.

Sa bayan na ito ay madami namang ibang halaman pa na namumunga at sagana ang bayan sa mga prutas. Ngunit isang araw tinamaan ng tagtuyot ang bayan. Namatay lahat ng mga puno na makakainan ng bunga maliban sa punong may lason.

Taimtim na nagmakaawa at nanalangin ang mga tao na sana matigil na ang matinding tagtuyot na ito.

Isang araw, may dumating na isang babae na nakasuot ng maputing damit. Masayahin ang babae na ito at may pag kanta kanta pa sya. Pumunta ito sa puno na may bungan lason. Nakita ito ng taong bayan at pinigilan pa ang babae at binabalaan pero patuloy sa pagkuha ng bunga ang babae habang kumakanta pa na namimitas ng bunga.

Kinain ng babae ang bunga na may lason sa kabila ng panaghoy ng mga tao sa kanya. Pero sa kabutihang palad ang inaasahan na pagkalason ng babae ay wala silang nakitang nangyari. Patuloy padin na kumakain ang babae at sarap na sarap sya sa bunga ng puno.

Siguro gutom nadin ang taong bayan kaya napilitan silang lapitan ang babae at kausapin ito.

Nagtanong ang babae sa mga bata na nandoon ng oras na iyon at bakit daw hindi yata nila ito kinakain e masarap naman ang prutas nito. Nagkwento ang mga bata sa babae at sinabi na noon nga ay nakakitaan nila ng namamatay at nalalason ang sinuman na kumain ng bunga ng puno na ito.

Ipinakita ng babae ang bunga na pinitas nya sa mga bata at binuksan ito sa harapan nila. Makinis ang laman ng bunga at mukhang masarap. Pinatikim ito ng babae.

“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin.

Iba pang Buod ng Alamat

Alamat ng Durian

Alamat ng Daliri [Buod]

Nahikayat nadin ang iba na pumitas at tikman ito. At sa pagtataka ng karamihan ay masarap nga ang bunga ng puno. Habang abala ang karamihan, bigla nalang naglaho ang babae sa paningin ng mga tao.

Naitawid ng taong bayan ang kanilang gutom dahil sa nakakain sila ng bunga ng puno na ito. Lahat ay napaisip na marahil isang diwata ang babae na iyon na sumagot sa kanilang panalangin.

Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang “lansones”.

Aral sa Alamat ng Lansones

Pinagpapala ng maykapal ang sinuman na humihingi ng tulong.

One thought on “Alamat ng Lansones (Summary)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *