May 19, 2024

Alamat ng Hagdang Palayan sa Ifugao [Buod]

Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi ng lider, “Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?” Si G. Malintong ang guro ay sumagot, “Ikinalulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan.”

Nagsimula ang pagkukwento ng lider habang ngumunguya-nguya ng buyo. “Noong pang kauna-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nama’y sa Bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigan subalit walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya’y tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Sapagkat napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang magpatuloy ang buhay, sila’y nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito’y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.

Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, “Kilala kitang mabuting tao. Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung susundin mo ang aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga Diyos.” “Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?”

Ang Dakilang Diyos ay sumagot, “Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng cañao araw at gabi ng tatlong araw nang upang ako’y ipagbunyi. Kung ako’y masiyahan, uunlad ang inyong tribo.”

Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribo ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda hanggang sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni Kabunian. Siya’y nagsalita, “Mabuti anak. Ako’y nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita’y bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagi’y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ng iyong taniman. Ang malapot na putik at ang batong-buhay na yaon,” tuloy turo sa duminding, ‘ ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon.”

“Salamat po, Diyos ko,” ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay natalikupan ng mga teres na ngayo’y ating ipinagmalaking hagdan-hagdang taniman ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *