November 18, 2024

Alamat ng Palay Version 1 [Buod]

Noong unang panahon hindi alama ng mga tao kung ano ang palay. Wala pa silang ideya kung paano ito padamihin at alagaan kaya ang madalas nilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop.

Sila ay mahilig din na nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa kagubatan.

Pero dahil sa dumadami ang mga tao, mabilis na naubos ang mga pagkain nilang kinukuha sa kagubatan.

Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila’y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila’y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.

Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila’y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila’y may reyna. Sila’y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw.

Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.

Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila’y pinainom ng puting alak at sila’y at nagging matalino.

Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, ” Kayo’y bibigyan ko ng butil. Ito’y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.”

“Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo.”

Dahil sa mga buto na binigay ng mga diwata, natutong mag tanim ang mga tao nito. Hindi din nila makalimutan ang sarap at halimuyak ng bunga ng mga halaman na ito.

Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Iba pang Alamat na babasahin:

Alamat ng Pipino [Buod]

Alamat ng Durian [Buod]

Alamat Kung Bakit Maalat Ang Dagat [Buod]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *