January 18, 2025

Alamat ng Butiki (Summary)

Noong unang panahon ay mayroong mag ina na nakatira malapit sa mga kakahuyan.

Si Nanay Rosa ay malapit sa Diyos at mapanalangin. Sa pagiging relihiyosa nya ay madalas syang magdasal at mag orasyon kapag nasapit na ang dilim. Kasama nya lagi ang kaniyang anak na lalaki na ang pangalan ay Juan.

Mabait at masunurin na anak si Juan. Sinusunod nya si Nanay Rosa at sinasamahan ito pagsapit ng gabi sa pag oorasyon sa kanilang bahay.

Biyuda na si Nanay Rosa, masaya sya kasi nakakatulong ang anak na si Juan sa pagtatanim sa kanilang bukid at paghahanap buhay.

Ganito ang buhay lagi ng mag ina. Hanggang sa pagtanda ni nanay Rosa at pagbibinata ni Juan. Nang magkaedad na si Nanay Rosa, madalas na nasa bahay nalang sya at si Juan ang naghahanap buhay. Kahit me edad na hindi nakakalimutan ni Nanay Rosa ang manalangin.

Minsan sa kagubatan kung saan nangunguha si Juan ng kahoy, nakilala nya ang isang maganda na babaen na si Helena.

Magandang dalaga si Helena kaya naman nabighani si Juan. Sa panunuyo ni Juan minsan inaabot na sya ng gabi.

“O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,” ang wika ni Aling Rosa sa anak.

Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang pagsisinungaling ni Juan.

Nahulog ng husto ang loob ni Juan kay Helena dahil sa dalas ng kanilang pagkikita. Pero nakakagulat ang sumunod na pangyayari.

Para daw mapatunayan ni Juan na mahal nya ng tunay si Helena, kailangan daw niyang dalhin ang puso ng nanay Rosa nya kay Helena.

“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.

Nalungkot si Juan sa kagustuhan ni Helena, malungkot sya na umuwi kasi me taning pa na panahon ang ibinigay sa kanya.

Nang umuwi si Juan sa kanila, nagyaya si Nanay Rosa na magdasal na. Nagtungo sila sa hara ng kanilang bahay. Pero habang nagdarasal sila ay ang taning ni Helena ang naisip ni Juan. Bigla nalang nyan inundayan ng patalim si Nanay Rosa at natumba ito sa harapan niya.

Gulat man si Nanay Rosa sa mga pangyayari ay nasambit nya na pinapatawad nya si Juan. Dito na nahimasmasan si Juan sa kanyang nagawa at humingi din ng tawad sa kanyang ina.

“Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

Pagkatapos niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

Sa di kalayuan ay nakita nya si Helena na biglang nagbago ng anyo at naging isang matandang engkanto. Pahalakhak pa ito habang papalapit kay Juan

Sa sobrang takot ni Juan ay napagapang sya papasok ng bahay hanggang sa kanilang kisame. Ang engkanto naman ay nagbago ng anyo at naging ibat ibang uri ng kulisap ito. Agad na pinaghuhuli at kinain ni Juan ang mga bahagi ng Engkanto hanggang sa di na ito nakabalik sa dating kaanyuan at magtago na isang kulisap sa mga halamanan.

Sising sisi si Juan sa nangyari at sinasabing hanggang sa kanyang kasunod na salinlahi ay bumaba para mag orasyon sa sahig pag gabi.

Hanggang ngayon ay patuloy din na hinahabol at kinakain ng “butiki” ang mga kulisap na lumilipad.

Aral sa Alamat ng Butiki

Hindi mapapantayan ang pagmamahal ng magulang sa kanyang anak kahit sa huling sandali. Sa anak naman ay dapat na huwag tumingin lang sa panlabas na kaanyuan kundi sa kagandahan din ng kalooban. Laging nasa huli ang pagsisisi.

Iba pang babasahin

Alamat ng Sampaguita [Buod]

Alamat ng Daliri [Buod]

One thought on “Alamat ng Butiki (Summary)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *