November 17, 2024

Ano ang Pabula?

Ang pabula ay mga kwento na nagbabahagi ng mga karanasan o pangyayari na ang gamit ay mga hayop, mga halaman, puno, insekto o mga bagay na walang buhay.

Marami tayong isusulat na pabula dito sa Philgizmo.com, mga kwento na kinapapalooban ng mga hayop gaya ng Leon, Tigre, Kuneho, Agila, Maya, Kalapati, Pagong, Kalabaw, Palaka at iba pang mga nilalalang na pwedeng magbigay din ng aral sa mga bata.

Isang uri ng Panitikang Pilipino ang mga Pabula na malimit kasama sa mga takdang aralin ng mga estudyante o kabataan kasi meron silang moral na pwedeng ibahagi at magiging halimbawa na maganda para sa mga bata.

Ano ang Elemento ng mga Pabula

Malimit sa mga kwento ng pabula ay mayroon itong bahagi o paglalarawan ng kwento na merong istraktura.

Pinaka halimbawa ng isang Pabula sa Pilipino ay mayroon itong mga “tauhan” (kagaya ng Leon, Isda, Agila, Kalapati na nabanggit natin kanina) na syang pinaiikutan ng ating buong kwento. Sila ang bida sa kwento ng mga Pabula.

Pangalawang bahagi ng isang Pabula ay ang “tagpuan”. Inilalarawan sa kwento ng mga pabula ang lugar kung saan nagaganap ang kwento. Karaniwan inilalarawan ang pabula sa mga kagubatan kasi madalas na tauhan na gumaganap ay mga hayop.

Pangatlong bahagi o elemento ng Pabula ang tinatawag natin na “banghay”. Ito ang katawan ng ating kwento na siyang nagsisiwalat ng pinaka istorya ng ating pabula.

Sa mga pabula makikita din karaniwan ang “Aral”. Ito ang pinakamahalagan bahagi ng isang Pabula kasi dito nakalagay ang Moral Lesson na makukuha ng mga bata na pwedeng maging halimbawa nila para matuto sila ng magagandang bagay.

Ilang sa mga Pabula na karaniwan ng nagpasalin salin sa bibig ng mga ninuno nating mga Pilipino ay ang mga sumusunod

Ang ang mga Halimbawa ng Pabula?

Reference: Marvicrm.com

Ang Agila at ang Maya

Ang Kalabaw at ang Palaka

Ang Inahing Manok

Ang Aso at ang Uwak

Ang Langgam at ang Kalapati

Ang Lamok at ang Leon

Ang Gansa at ang Gintong Itlog

Ang tigre at ang Alamid

Ang Daga at ang Leon

Ang Biik at ang mga Tupa [Buod ng Pabula]

Ang Kabayo na nagdamit Leon [Buod ng Pabula]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *