Tinuturo sa atin na ang tunay na debosyon sa Diyos ay hindi nasusukat sa dami ng ating panalangin, ayuno, at pagbibigay. Sa halip, ito ay nasusukat sa ating kababaang-loob at pagkakaroon ng tunay na pagsisisi sa ating mga kasalanan. Ang mga taong nagsasabing kanila lamang ang pagmamahal at kabanalan ay hindi nakakamit ang tunay na kabanalan sa Diyos. Sa huli, tinuturo sa atin na ang tunay na debosyon ay dapat na nagmumula sa puso natin at hindi sa ating mga kilos at gawa.
Isang araw ay may dalawang lalaki na pumasok sa templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay publikano o maniningil ng buwis.
Tumayo ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito, “O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga mandaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu lahat kong kinikita.”
Samantala, ang publikano ay nakatayo sa malayo, ni hindi makatingin sa langit at dinadagukan ang kanyang dibdib. Sinabi niya, “‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!”
Ang publikano ay umuwing kinalulugdan ng Diyos samantalang ang Pariseo ay hindi. Dahil ang sinumang nagpapakataas ay ibinababa, at siyang nagpapakababa ay itinataas ng Diyos.
Iba pang Buod ng Parabula:
Talinghaga ng Sampung Dalaga (Buod ng Parabula)
One thought on “Talinghaga ng Pariseo at Publikano (Buod ng Parabula)”