January 18, 2025

Alamat ng Saging (Summary)

Noong unang panahon sa isang nayon na di kalayuan ay may magkasintahan na ang pangalan ay Juana at Aging. Nagmamahalan ng lubos ang magkasintahan. Madalas silang magkita.

Pero lingid sa kaalaman ng magkasintahan, ay tutol ang mga magulang ni Juana kay Aging. Hindi alintana ito nina Juana at Aging. Patuloy silang nagkikita.

Isang araw na nagkita ang magkasintahan, napansila sila ng tatay ni Juana. Dahil nga sa ayaw ng mga magulang ni Juana kay Aging, nang makita ang binata ay nagalit ito at bigla nalang hinabol ng itak si Aging.

Sa kanilang paghahabulan ay naabutan ng tatay ni Juana si Aging. Sa lakas ng bigwas ng itak ng Tatay ni Juana, tinamaan sa braso si Aging. Laglag ang braso ni Aging.

Tumakas si Aging at dahil sa nakakalungkot na pangyayari, naiyak na lamang si Juana. Pinulot ni Juana ang naputol na braso ni Aging at ibinaon ito sa kanilang bakuran.

Paglipas ng panahon, biglang nagulat ang Tatay ni Juana, kasi may natubong isang kakaibang halaman sa kanilang bakuran. Luntian ang halaman at malalaki at mahahaba ang mga dahon nito. Sa katagalan ng pagtubo nito, may lumabas na kulay dilaw na bunga na animoy parang daliri ng tao ang hugis.

Tinawag nya si Juana para makita ito at para tanungin kung ano ang tumubo na halaman.

Pagkakita ni Juana sa halaman na tumubo sa kanilang bakuran, bigla niyang naalala si Aging. Kasi dito sa lugar na ito nya ibinaon ang naputol na braso ng kasintahan. Biglang nasambit ni Juana ang katagang “Aging”.

“Ang punong iyan ay si Aging”, sambit ni Juana.

Pagtagal ng panahon ang puno ay pinangalanang “Aging” at sa kahulihan ay nakasanayan nalang na tawaging Saging!

Aral sa Alamat ng Saging

Maging masunurin sa mga magulang. May tamang panahon para sa lahat ng bagay.

Pagyamanin ang mga nasa kapaligiran at balang araw ay mabibiyayaan kadin.

2 thoughts on “Alamat ng Saging (Summary)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *