December 2, 2024

Bidasari Epiko ng Mindanao (Buod)

Nakapagpakita ang epiko ng kahalagahan ng pagiging tapat sa mga mahal sa buhay, pati na rin ng pagpapakita ng tapang at pagiging handa sa pakikipagsapalaran upang maipagtanggol ang sarili at ang mga mahal sa buhay. Ito ay isa sa mga halimbawa ng mga epikong Mindanaoan na nagpapakita ng kulturang Pilipino, kung saan ang kapangyarihan at tapang ay kinakailangan upang malampasan ang mga hamon ng buhay.

Ang Bidasari ay isang epikong Mindanaoan na nagsasalaysay ng isang kuwento tungkol sa isang magandang babae na may taglay na kagandahan at kapangyarihan. Ipinapakita sa epiko ang kanyang pakikipagsapalaran upang labanan ang mga kaaway at protektahan ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon.  Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao.  Ang ibong ito ay ang ibong garuda.  Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib.  Takot na takot sila sa ibong garuda pagka’t ito’y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat.  Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon.  Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog.  Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol.  Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian.  Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol.  Itinuring niya itong anak.  Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari.  Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda.  Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari.  Mapanibughuin si Lila Sari.  Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.  Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya’y mahal nito na sasagutin naman ng sultanng : mahal na mahal ka sa akin.  Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.  Kaniyangitinanong na minsan sa sultan:  Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?  Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.  Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan.  Kaya’t karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana.  Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.  Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay.  Pumayag si Lila Sari.  Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Iba pang Buod ng mga Epiko ng Pilipino:

Darangan Epiko ng Maranao (Buod)

What are Philippine Epic Literature?

Hudhud in Aliguyon (Buod ng Epiko ng Ifugao)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *