November 14, 2024

Alamat ng Pinya (Summary)

Sa isang malayong lugar noong unang panahon ay mayroong mag ina na nakatira ng matiwasay. Magkasama si Nanay Rosa at ang kanyang anak na si Pinang. Dahil silang dalawa lamang ang magkasama, alagang alaga at mahal na mahal ni Nanay Rosa ang bugtong na anak na si Pinang.

Sa labis na pagmamahal nya, lumaki sa layaw si Pinang

Madalas utusan ni nanay Rosa si Pinang na tumulong sa bahay para matuto naman ito, kaya nga lang lagi namang me dahilan si Pinang at madalas sabihin na alam na nya ang ipapagawa sa kanya.

Walang magawa si Nanay Rosa kaya pinabababayaan nalanag nya ang anak na si Pinang.

Pagdating ng isang araw, nagkasakit si Nanay Rosa. Hirap syang bumangon para magtrabaho. Humingi sya ngayon ng tulong kay Pinang para magluto kahit ng lugaw man lang para makakain sya. Sumunod naman si Pinang, nagsalang ng lugaw. Pero dahil sa kaabalahan sa kalalaro, nakalimutan nya na meron syang niluluto. Nasunog ang lugaw hanggang dumikit pa ang kanin sa lutuan.

Pinagsabihan ni Nanay Rosa si Pinang dahil dito.

Nagtagal ang sakit ni Nanay Rosa. Napilitan nalang tumulong sa gawaing bahay si Pinang. Kaya lang madalas hindi nya alam kung nasaan ang mga bagay bagay. Hindi nya alam kung nasaan ang posporo, ang sandok at kung ano ano pa. Madalas itong mangyari.

Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: ” Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Napatahimik si Pinang, hindi nalang sya nagtanong. Kalaunan tahimik ang bahay. Hanap si Nanay Rosa kung nasaan si Pinang, tawag sya ng tawag pero walang sumasagot. Napilitan nalang syang bumangon at magluto ng pagkain.

Lumipas ang mga araw at unti unting gumaling si Nanay Rosa. Nang gumaling na sya ay saka niya hinanap si Pinang. Lumabas sya at nagtanong tanong. Pero walang nakakita kung nasaan si Pinang.

Isang araw me nakitang kakaibang halaman sa kanyang bakuran si Nanay Rosa. Inalagaan nya ito ang ng mamunga ang halaman, laking gulat nya kasi hugis ulo ang bunga nito at maraming parang mata na nakapalibot sa bunga.

Biglang naalala ni Nanay Rosa si Pinang at ang mga huling nasabi nya kay Pina na sanay magkaroon ng maraming mata para makita ang mga pinaghahanap nya.

Napaiyak nalang si Nanay Rosa at nanangis habang inaalala ang mga nasabi sa mahal nyang si Pinang. Inalagaan nalang ni Nanay Rosa ang halaman bilang alaala ng anak na si Pinang.

Paglipas ng panahon nakilala ang halaman sa pangalang “Pinya”

Aral sa Alamat ng Pinya

Sumunod lagi sa utos ng magulang, matutong iwan muna ang mga bagay na di mahalaga at tumulong din sa iyong magulang kung kinakailangan.

Ano ang Alamat

Ang alamat ay mga kwentong bayan at panitikan na nagpasalin salin sa mga tao sa mahabang panahon. Nagsasalaysay ito ng mga pinagmulan ng mga bagay bagay na nakikita sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *