January 18, 2025

Ano ang Alamat sa mga Pilipino?

Ang Alamat ay tinatawag na folklore o legends sa wikang Englis. Isa uri ito ng literaturang galing sa mga Pilipino  at isang uri ito ng panitikan.

Ang Alamat ay nagsisilbing pagtalakay sa mga pinagmulang ng mga bagay bagay, pook , hayop at mga aral na pwede nating makuha sa buhay.

Minsan nagiging usapan ang mga alamat kasi sila ang nagbibigay ng kahulugan sa mga pangyayari na di natin ma explain ng maigi.

Bakit mahalaga ang mga Alamat sa Pilipino?

Ang alamat ay nagtatalakay din sa mga sinaunang kaugalian ng mga Pilipino dahil ang bawat alamat na mababasa mo ay nagbibigay ng magagandang aral sa buhay. Sinasabi na ang mga Alamat ay nagumpisa pa sa mga naunang katutubo na nanirahan sa Pilipinas.

Sa katagalan ng panahon, nailipat sa makabagong henerasyon ang mga katutubong kwento na ito at ngayon ay napapanatili natin ito na buhay para sa mga susunod na henerasyon dahil pwede na itong mabasa sa internet kagaya ng website natin na ito.

Sino ang pinagmulan ng mga Alamat?

Base sa mga historikal na mga pangyayari ang mga sinaunang Pilipino gaya ng mga Ita, Aetas o Negrito ay masasabing merong mga karunungan para sa mga Alamat simula pa noong 1300 AD.

Ang tanging pamamaraan ng pagsasalin henerasyon sa mga Alamat noong unang panahon ay sa pamamagitan lamang ng bukang bibig. Sapagkat palipat lipat ng lugar ang mga sinaunang tao noon para makahanap ng makakain, naging magandang paraan ito para maipamana sa mga kasalukuyang Pilipino.

Kasama din sa history ng mga Pilipino ang pakikipagkalkalan ng mga Asian na tao noon lalo na ng mga Malay (Malaysia), Tsina (China) at Indonesia, mapapansin mo na meron itong kahalintulad din sa ibang bansa.

Sino ang madalas na mag-aral tungkol sa mga Alamat?

Ang mga estudyante ang madalas na mag aral tungkol sa mga alamat. Nakaka engganyo kasi ang ganda ng mga alamat ng Pilipino at tila lahat ng bagay, pook, pangyayari, hayop o pinagmulan ng lahat ay mababasa mo sa mga Alamat.

Ano ang mga Halimbawa ng mga Alamat?

Narito ang listahan ng mga halimbawa ng mga alamat na makikita dito sa website natin na Philgizmo.com. Kung gusto mong makita ang buong listahan, pumunta ka sa link na ito.

Alamat ng Durian

Alamat ng Daliri

Alamat ng Saging

Alamat ng Pinya

Alamat ng Butiki

Alamat ng Lansones

Alamat ng Sampaguita

Alamat ng Makahiya

Alamat ng Sibuyas

Alamat ni Prinsesa Manorah

Alamat ng Gagamba

Alamat ng Chocolate Hills

Alamat ng Bayabas

Alamat ng Bulkang Mayon

Alamat ng Bawang

Alamat ng Bahaghari

Alamat ng Apoy

Alamat ng Aso

Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

Alamat ng Ampalaya

References:

Marvicrm.com

Talambuhay.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *